kung MAS maaga ka?
aba siyempre! sobrang nakakastress kaya kapag naghahabol ng oras at nakakaloka yung may makita tayong kapalpakan or meron tayong nakalimutan taz wala nang oras. tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging huli, pero hindi naman lahat. suma total, mas okay pa rin yung nauuna tayo lagi. HaLiMBaWA:
sa mga programs - makakapili pa tayo ng mga upuang mas kumportable..
sa klase - may panahon pa tayong mangopya, este! mareview yung ating mga assignments..
sa simbahan - makakaupo tayo dun sa kung saan nasisilayan yung ngiti ni Padre, ay! yung naririning pala ng maayos yung sermon niya..
sa mall - siguradong hindi pa mahaba ang pila sa cashier kaya mas may oras pa tayong maglamyerda..
sa kusina - may oras pa tayong hanapin yung atay ng manok dun sa kaserola or yung cherry sa fruit salad..
sa mga party - makakaupo tayo dun sa kung saan malapit ang lechon..
sa mga meetings - we can find a seat sa likuran, yung di mahalata yung pagsibat natin ng maaga..
kung MAS maingay ka?
excuse meh! nasa tamang lugar ba? nasa tamang oras ba? sino ba ang kausap natin? bingi ba sila? or close ba kayo? konting ingat, kasi karaniwan sa atin naiirita sa mga maiingay. madalas, mahilig tayong magkwento sa madlang people pero we have to make sure na kasali yung audience natin, yung tipong nakakarelate sila para naman may audience impact.HaLiMBaWA:
sa klase - pag nauna si sir or si ma'am sa pagkwento at sa pagjoke, naku dapat react to the max!
sa bus - investigate muna.. dapat walang natutulog or else, ipapakulam ka ng ibang mga pasahero..
sa restaurant - don't speak when your mouth is full <<< this is the only rule..
sa seminar - speaker ka ba? kung hindi, mahiya ka naman.. hahaha!
sa CR - sige, magtalak hangga't gusto but cover your mouth while speaking..
sa sinehan - kung ayaw mo ng sakit sa katawan, behave ka na lang..
kung MAS mayabang ka?
depende! basta ba't nagsasabi ka ng totoo, why not? bakit, ipinagbabawal ba ng batas? sa panahon ngayon, kelengan din nating magyabang paminsanminsan basta huwag lang sobra at baka magsiliparan na lahat sa sobrang hangin. kumbaga, ilagay sa lugar. sa dami ng social networks ngayon, naku! we can promote ourselves anytime, ika nga, di vah? HaLiMBaWa:
sa harap ng crush mo - grab the opportunity.. hala, carry your bench! but screen your words and check your grammar na din..
sa harap ng mga mayayabang - GO! gamitin mo lahat ng energy mo. umasta kang taga ibang planeta at siguradong awardee ka agad.. hehehe! ang mayabang galit sa kapwa mayabang..
sa work place - magyabang ka naman minsan. tahimik ka nga, nagngingitngit ka naman sa galit kasi nalamangan ka. talo ka na nga, masakit pa dibdib mo. at kapag nakahanap ka ng kasabwat, lalaitin nyo yung kasama nyong nagyabang. weh! di masamang mainggit. next time, eh di kayo naman magyabang..
sa mga magulang mo - di na kelangan. kung may nakakaalam man ng kaledad mo, sila yun..
sa asawa't mga anak mo - aba, dapat lang. sila ang pinakasolid na fan's club mo at sila din ang makapagpatunay na karapatdapat kang ipagmayabang.
ang dyahe lang naman sa pagmamayabang ay yung 'self-proclamation'.. but still, it always go back to the rule - boast MODERATELY..
kung MAS mayaman ka?
sus! it's just a way of thinking.. richness is a feeling lang naman eh.. we can be rich in so many things - friendships, family, career, experiences, financially and all..yung yamang pinansyal di kelangang irampa yan at baka mahold-up or makidnap tayo. hala!
The way we project ourselves is a very important factor. the question is : ANO YUNG GUSTO NATING TINGIN NG IBANG TAO SA ATIN?
paano ba tayo manamit?
subukan nga nating pumunta sa mall na naka 'faded' duster at naka 'dirty' tsinelas.. baka sa guard pa lang, harangan na tayo.. and for sure, walang sales representative ang lalapit. kahit bibili pa tayo ng sampung fitflops, it'll still be self-service.
o di kaya magsimbang naka mini-skirt, nakasleeveless and with plunging necklines.. if we want publicity, hala sige! di naman bawal eh, but it's just like having sex at the grocery section - hindi bawal pero walang gumagawa..
appropriateness lang ang susi..
paano ba tayo magsalita?
may sense ba? nasa tamang oras ba? think and rethink kung kinakelangan..
layp is wat we meyk it and we are held responsible for all our actions.. we bring our own name, bear our own face, carry our own body, and nourish our own soul..
(//_^)